Friday, August 24, 2012

Robert Blair Carabuena Public Apology Full Transcript


Robert Blair Carabuena, the infamous motorist who slapped and berated MMDA traffic officer Sonny Fabros on August 11  issued a public apology statement this morning, August 23, infront of Fabros and MMDA Chairman Tolentino at MMDA office.

His public apology statement reads:

Magandang umaga po sa ating Tagapangulo ng MMDA, Kagalang-galang na Atty. Francis Tolentino; magandang umaga rin po kay Mang Saturnino “Sonny” Fabros bagama’t di ko po siya nakikita ngayon; magandang umaga po sa inyong lahat!

Ako po si Robert Blair Carabuena, na kusang pumarito sa tanggapan ng MMDA, upang personal na humingi ng tawad at paumanhin kay Ginoon Saturnino Fabros, sa kanyang mga anak, sa inyo po Kagalang-galang na Chairman – bilang kumakatawan ng MMDA sa inyong pamumuno, at sa lahat ng mga traffic enforcers ng MMDA sa nangyari noong ika-11 ng Agosto.

Di na po lingid sa karamihan ang aking ipinakitang di kagandahang-asal noong ika-11 ng Agosto.

Sa iyo Mang Sonny, at sa inyong anim na anak, ako po ay humihingi ng inyong kapatawaran.

Itong mga nakaraang mga araw mula noong ika-11 ng Agosto, marami pong mga haka-haka na ako raw po ay nagtatago at baka raw tatakas.

Gusto ko pong ipabatid sa inyong lahat na di po ako nagtago at di ko po tatakasan itong aking hinaharap ngayon. Kaya po ako nandito ngayon sa tanggapan ng MMDA at humaharap sa ating Kagalang-galang na Chairman Tolentino ay para humingi ng kapatawaran at paumanhin sa aking inasal.

Nitong nakaraang Linggo, naramdaman ko po ang galit ng publiko sa aking inasal. Simula nang lumabas ang “video” sa media at sa “social media,” minabuti ko pong manatili muna sa aming tahanan. Kinailangan kong humingi ng payo sa aking pamilya at mga kaibigan, gayon na rin sa aking mga abogado.

Napag-alaman ko rin po na si Kagalang-galang Chairman Tolentino ay naghain ng reklamo sa LTO na ang aking lisensiya sa pagmamaneho ay kanselahin. Sa usaping ito, ako po ay nakikiusap kay Chairman Tolentino na pahintulutang umusad ang proseso ng pagkansela ng aking lisensiya. At habang ang prosesong ito ay umuusad, ako po ay nakikiusap na ako po ay payagan na tuluyang makapagmaneho sa dahilan na ito ay aking kailangan sa paghahanapbuhay.

Bilang pangwakas, nais ko pong muling humingi ng tawad at paumanhin kay Mang Sonny, sa ating Tagapangulo ng MMDA Francis Tolentino, sa buong kagawaran ng MMDA, sa aking pamilya, mga kaibigan, at sa publiko. Kung mayroon man akong hihilingin sa puntong ito, ako po sana’y mabigyan ng pangalawang pagkakataon, at personal na makahingi ng paumanhin kay Mang Sonny.

Maraming salamat po.But despite Carabuena's apology, MMDA said they will still push through with the direct assault case filed against the former at the QC Prosecutor’s office.

0 comments:

Post a Comment