Thursday, August 14, 2014

Watch Lyca Garainod Life Story at MMK


Ang Grand Champion na si Lyca Garainod ng "The Voice Kids Philippines" ay itatampok sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ang nakaaantig na life story ng kauna-unahang grand champion ng “The Voice Kids Philippines” na si Lyca Gairanod. Sa episode na eere ngayong Sabado (Agosto 16) ay gagampanan ng siyam na taong gulang na singing champ ang kanyang sarili.

Bilang paghahanda para sa kanyang unang pagganap sa TV, sumailalim si Lyca sa isang acting workshop na pinangunahan ng “MMK” director na si Nuel Naval at beteranang aktres na si Malou de Guzman.

“Mapapanood po nila dito sa ‘MMK’ ‘yung mga ginagawa ko po bago sumali sa ‘The Voice Kids',” pahayag ni Lyca na tinaguriang ng mga manonood bilang "Little Superstar."

“Hindi po ako masyado nahirapan sa pag-iyak kasi tinulungan po ako nila direk,” pagbabahagi ni Lyca kaugnay ng paggabay sa kanya nina Naval at De Guzman, lalo na sa mga dramatic scene.

Sumikat si Lyca sa mga manonood bilang isang munting batang may malaking pangarap na bumiyahe mula sa Tanza, Cavite, patungong Maynila upang magbakasali sa “The Voice Kids.” Si Lyca ay laki sa hirap bilang anak ng amang mangingisda., at minsan ay tinutulungan niya ang kanyang ina na mangalakal ng basura.

Kasama ni Lyca sa kanyang unang “MMK” sina Malou, Ronnie Lazaro, EJ Jallorina, Kokoy de Santos, Amy Nobleza, Jahren Estorque, Ian Galliguez, Marney Lapuz, Pepe Herrera, at Che Ramos. Ang episode ay sa ilalim ng panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK" tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. 

0 comments:

Post a Comment